bitterness is a virtue

Home » Archives » 08. October 2008

board exam 101

October 8, 2008

“hijo, wag kang pamgpicnic, mag-exam ka” linya sakin ng proctor sa board exam na I took last last week. Kasi naman, masyado akong nag enjoy sa mga baon ko kaya nakalimutan ko na nagbo-board exam pala ako.

 

Instruction for board examinees:

  1. Dress code: white shirt with collar
  2. Bags, cell phones and any gadgets or accessories are not allowed in the examination premises
  3. Examinees are allowed to bring and eat food during the examination.
  4.  etc.

 

Matapat naman akong sumunod sa instruction, kaya lang langya pagdating ko sa assigned school ko, my mga examinees na naka-purple, orange, atbpang kulay na hindi white. At may dala silang mga bags at cell phone. Bwisit. akala ko pa naman kapag ganitong mga event eh, mahigpit talaga. So habang nakaplastic ang lahat ng gamit ko at bored dahil walang hawak na gadget, eh masaya namang nakakapagtext ang iba. Dapat next year magka-rule ang PRC na ang sinuman na magdadala ng bag, cell phone, o any gadget ay mamamatay after 7 days.

 

Pero kahit papano nakahinga din naman ako ng maluwag dahil peaceful naman ung exam, hindi kagaya ng inaasahan ko na may stampede, hihimatayin, sasapian, at alien invasion. Pero gaya  ng inaasahan merong mga na no-nose bleed sa exam (ehem).

 

6pm ang tapos ng exam pero tapos na ko ng 2pm, at hindi yun isang achievement on my part, dahil madalas, kapag maaga kong natatapos ang exam eh…huhuhu. Kaya naman tinatanong ko un sarili ko nung mga time na ipinapasa ko na un answer sheet, “nagbasa ba ko? bakit tapos na ko?”. Buti na lang paglabas ko ng room may mga schoolmate ako at classmates na tapos na rin, yes! Hindi ako nag-iisa marami kaming hindi nagbasa. Un isang kaklase ko hindi mapakali dahil may 3 syang erasures, at sabi daw sa kanya ng proctor niya ay subject for cancellation un exam niya dahil may erasures siya. So para payapain siya at tanggalin ang kaba, sinabi ko sa kanya na hindi totoong maka-cancel ung exam niya…maba-banned lang siya sa PRC for 50 years, at babarilin siya pagnapadaan siya sa Morayta.

 

Pero seryoso, sa mga magbo-board exam pa lang, mag-aral kayo, hindi one month before the exam kundi habang nasa school ka pa lang at inuulan ng mga subjects. The best source of answers in such dreadful examinations is still stk. knowledge.

 

Trivia: kaya tinawag na REVIEW ang preparatory process na ginagawa ng mga examinees bago ang exam, ay dahil nire-recall mo lang ung mga bagay na NATUTUNAN mo na earlier in your studies. At sana maaga kong nalaman ang trivia na to.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Posted by winter at 12:28 am | permalink | Add comment